Hindi ko alam kung kailan to nagsimula
Pigilan ko man ‘di ko magawa
Pasensya na kung ako ay nagparamdam
Gusto ko lang talaga sa’yo ipaalam
Namulat ako sa ningning ng iyong bituin
Ikaw ba’y totoo o isang panaginip?
Ang tadhana ay sadyang malupit
Ito ba’y kabantang ubod ng pait?
Nagpupumiglas na damdamin iyong dinggin
Inaamin ko sa’yo ako ay nahumaling
Tumutulo ang luha nakatingin sa bituin
Ikaw ba’y wala na? Kailan ka darating?
Umaasang ikaw ay makaulayaw
Hindi lang sa irc ikaw maisayaw
Kinikilig sa iyong pag-indak
Hinihintay ang matamis mong halakhak
Sa gabi ikaw pa rin ang nasa isip
Kahit anong pilit hindi maka-idlip
Hindi kita maalis sa aking gunita
Lalo na ayokong umaasa sa wala
Tula nila : Kyle, JM, Shey at Jen